Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito.

Similar documents
LIST OF UP DILIMAN GE COURSES Updated per 124 th UPD UC 19 November 2012

Substance Abuse or Dependence

Embassy of the United States of America Consular Section - Immigrant Visa Unit Manila, Philippines

Cancer of the Colon and Rectum

POLICE RECRUITMENT: A CLOSER LOOK. Nestor Nabe College of Criminal Justice Education University of Mindanao, Bolton Campus, Davao City

Ang Lipunan at Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

For a copy of JJ s presentation at the 4th General Membership Meeting last 20 October 2015, please click on the link below:

CONTENTS. Message from the President. Foreword MESSAGES. Welcome Remarks. Secretary Leila M. De Lima Department of Justice

Opinions and interpretations expressed in this publication do not necessarily reflect the views of the IOM, its member states and the European Union.

College Spaces and Student Learning Statements

Tagalog Version 1. September, 2010 MGA ALITUNTUNIN NG HAWAII SA PANGANGASIWA HAWAII ADMINISTRATIVE RULES TITULO 8 TITLE 8

Filipino Continuers. Stage 6 Syllabus

Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ng Pamumuno sa Pilipinas 1

Pinoy Internet Network Marketer

SCHEDULE SA PAGTASA PARA SA INDEPENDIYENTENG KONTRATISTA (CONTRACT LABOUR)

Edukasyon ng Bayani: Mga Impluwensya ng Edukasyong Natamo sa Kaisipang Rebolusyonaryo*

BACHELOR OF SCIENCE IN PHYSICS MINOR IN FINANCE

PREPARATION GUIDE SUPPLEMENT Bilingual Education Assessment Tagalog (051)

Pineda extends more aid to dialysis patients. Pampanga bags 2 awards in Reg l Gawad Kalasag. Mikey files CGMA s CoC for 2nd District rep seat

Honsin!! and Urban Development Coordinating Council HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD ALL CONCERNED

Community-based Rehabilitation: Mandaluyong s Project T.E.A.C.H

2007 Broadcast Code of the Philippines

Capitol vows aid to former rebels

Nona floods 27 Pampanga brgys

What Is This Module About?

Three other Asian countries to adopt hybrid rice technology

Suarez / From Leisure 85

Social Protection in the Philippines: A case study on the country s social security model and conditional cash transfer program

How To Understand And Understand The Concept Of Accounting

Inclusion of an agency does not imply endorsement nor is exclusion a reflection on the value or quality of an agency s services.

SPECIAL AWARD FOR AGRI MICRO-BUSINESS NOMINATION FORM (For microenterprises engaged in agriculture farming, forestry, livestock, poultry and fishing)

Capitol officials undergo retraining on governance

Phillips 66 Renton Terminal Site

College of Computer Studies and Engineering Lorma Colleges City of San Fernando

Maria Gracia M. Pulido Tan Chairperson, Commission on Audit Guest Speaker and Inducting Officer

Republic of the Philippines

Essential Tagalog Grammar

How To Get A Job At A Church

Lazatin, no-show at covenant signing

UN: CGMA s detention in violation of int l law. Gov, Vice Gov distribute P5-M in handheld radios. Capitol gets P2-M DoLE livelihood aid.

The University of the Philippines College of Arts and Letters in Diliman, Quezon City was established in 1983, as a result of a three-way split

VG Delta inspects flooded areas in San Luis, Candaba

C. LIST OF GRADUATE THESES

Learning Needs in the Multicultural Classroom: Implications to Equitable Teaching

Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Kabuhayan at hanapbuhay ng Pinay sa sariling bayan.

RIGHT TOOLS. BETTER OUTCOME LGU DASHBOARD

SOLANO, NUEVA VIZCAYA, PHILIPPINES 3709 TELEFAX: (078) WEBSITE:

Guidelines in the Conduct of Diversion for Children in Conflict with the Law

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES. Sena"te Pasay City. Journal. SESSION NO. 61 Wednesday, February 9, 2011 FIFTEENTH CONGRESS FIRST REGULAR SESSION

Photo by: ICT Office. tenth place among

College Recognition Rites themed Reforming and Renewing the Civil Service: An Imperative for Good Governance and Responsive Public Administration

Republic of the Philippines OFFICE OF THE PRESIDENT COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

e-extension and the use of mobile phones in knowledge sharing

Lovestruck. Ronald Molmisa. Singles Edition OMF LITERATURE INC. Manila, Philippines

Republic of the Philippines OFFICE OF THE PRESIDENT COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

Representations of Self in Reflection Essays of Philippine University Students 1

Go away: China tells US. Makulay holds art therapy, participates I-Day expo. Pinoys in Kuwait attend Filcom Family Day. election,

Capitol gives burial aid to kin of victims in Arayat killings

Volume 10 Number 1 November 2011 REVIEW PHILIPPINE POPULATION A SSOCIATION


FILM AND HISTORY HISTORICAL FILMS IN TEACHING HISTORY

MASTERAL PROGRAMS. Majors: English, Physical Science, Filipino, Mathematics

City College of San Francisco. Catalog

Time Traveler: On Critical Theory in the Philippines Part II (A Philosophical Fiction)

peaceful elections WEDNESDAY VOLUME IV NO. 157 FEBRUARY 10,

K to 12 Curriculum Guide KINDERGARTEN

THE BOY SCOUTS PROGRAM

VG Pineda distributes P17.8-M aid to typhoon-affected farmers

Medical mission benefits Mabalacat City residents

REHABILITATION MEDICINE UNIT STEP BY STEP PROCEDURE

Call and Text Offers for Prepaid

University of the Philippines, Diliman Curriculum Offering

TOPICALITY AND REFERENCE-TRACKING IN TAGALOG

GGDC execs thank Guiao for support to AeroPark. Porac execs praise students for great show at Binulu fest. Remains of Pampango OFW arrive from Macau

Filipinizing English Songs By Evangeline Alvarez Encabo (main author) and Cherubim Fajardo Valerio (co-author)

BCDA awards P45.9-M Green City road project. Palace declares Oct. 12, 23 holidays in AC. what s inside. 4 killed, 13 arrested in Bulacan encounter

List of Degree Programs. College of Architecture. College of Arts and Letters. 124th UPD UC; 19 November 2012

COLOR GROUP MEETINGS. Meetings

POPPING THE K-POP BUBBLE: A STUDY ON THE WORLD OF K-POP FANDOM AS A SUBCULTURE JESSAMINE JOYCE CAUNTE PACIS. Submitted to the

Annual Notice of Changes for 2015

ACADEMIC PROGRAMS. Academic Programs 45. LIST OF ACADEMIC PROGRAMS a

MNTC: NLEx, SCTEx road works to resume Nov. 3

Raquel Accepts PSP and Digicam

Empowering local languages to create Filipino mathematical vocabulary Eric Siy, University of Georgia, USA

THE CORAL TRIANGLE INITIATIVE. A View of a People by the Sea

Barkadahan sa SmarTone SIM cards Terms & Conditions and Tariff

SILLIMAN UNIVERSITY Dumaguete City, Philippines

Dengue cases in Pampanga up by 66%

Kundiman love songs from the Philippines: their development from folksong to art song and an examination of representative repertoire

Program Special. Second confab held to discuss competitiveness of Filipino nurses. 2 nd Philippine Nursing Competitiveness Conference

DR. NARISA J. SUGAY Senior Manager, Non Formal Sector Member Management Group THE CHALLENGES AND WAYS FORWARD IN PROVIDING UNIVERSAL HEALTH CARE

FAR EASTERN UNIVERSITY INSTITUTE OF ARTS AND SCIENCES BS IN PSYCHOLOGY

Empire Blue Cross Empire HMO 2250, Silver CSR 2, NS, INN, Pediatric Dental, Dep 25 Summary of Benefits and Coverage:

Lubao eyes Pampanga cycling capital title

QC court orders arrest of ex-mayor s accusers

T a b l e o f C o n t e n t s

No. You don't have to meet deductibles for specific services, but see the chart starting on page 3 for other costs for services this plan covers.

Anthem Blue Cross and Blue Shield Anthem KeyCare 25 / $10/$20/$35/20% Summary of Benefits and Coverage:

THE UNDISCOVERED COUNTRY: SHAKESPEARE IN PHILIPPINE LITERATURES

Transcription:

ANG FILIPINO AT TAGALOG, HINDI GANOONG KASIMPLE ni Chair RICARDO MA. DURAN NOLASCO, Ph. D. Binigkas sa Pampinid na Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa 2007 Bayview Park Hotel, Agosto 31, 2007 Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Huwag daanin sa kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi sukatan ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na mutually intelligible at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro Manila at iba pang punong-lunsod na pinagtatagpuan ng iba t ibang grupong etniko. Ito ang pinakaprestihiyosong uri ng Tagalog at ang wikang ginagamit ng mass media. Ang isa pang panukat para makilala ang isang wika sa isang diyalekto ay: ibang gramatika, ibang wika. Iisa ang gramatika ng Filipino, Pilipino at Tagalog. Magkakapareho ang ginagamit nitong mga pananda (ang, ng at sa); mga panghalippanao (siya, ako, niya, kanila, atb.) panghalip-panturo (ito, iyan, doon, atb.); pangatnig (na, at at ay); kataga (na at pa); at panlaping makadiwa (- in, -an, i- at um-). Sa madaling salita, magkaparehong gramatika, magkaparehong wika. May ilang taga-akademya na nagsasabing ang Tagalog ay purista at ang Filipino ay hindi. Para sa kanila, ang pulong at guro ay salitang Tagalog samantalang ang miting at titser ay salitang Filipino. Gayon man, ang panghihiram ng salita ay hindi mapagkakatiwalaang batayan sa pag-iiba ng wika sa diyalekto. Lansakan ang ginawang panghihiram ng Zamboangueño (Chavacano) sa Espanyol subalit nakabuo ito ng ibang gramatika. Hindi ito nauunawaan ng mga nagsasalita ng Espanol. May mahalagang gamit din ang purismo. Ang tinutukoy ko rito ay hindi ang purismong nagbunga ng mga salitang gaya ng salumpuwit at salipawpaw. Ang salumpuwit ay pinaikli ng pangsalo ng puwit, at ang salipawpaw ay nanggaling sa sasakyang lumilipad sa himpapawid. Inimbento ang mga salitang ito noong mga 1960

para gawing puro ang wikang pambansa. Sapagkat palasak na ang silya at eroplano, ang ganitong uri ng purismo ay hindi nagkaroon ng kabuluhan para sa mamamayan at itinakwil nila ito. Tinatangkilik ko ang purismong gumagabay sa paggamit ng mga salitang gaya ng gasang. Ang gasang ay Sebwano at Tagalog para sa coral at ang kagasangan naman ay nangangahulugan ng coral reef. Kung patuloy nating gagamitin ang terminong Ingles para sa konsepto, o makukuntento na lamang sa ponetikong baybay na koral rif, ang katutubong salita ay mamamatay. Hindi tayo dapat matakot na turuan ang madla ng bagong mga salita kung ito y eksakto at angkop para sa okasyon. Subalit kung ito ma y simpleng Tagalog o malalim na Tagalog, puro o halu-halong Tagalog, ito y Tagalog pa rin. Nabibilang pa rin sa iisang wika. Kung gayon, bakit natin kinailangang magpalit ng pangalan buhat sa Tagalog, patungo sa Pilipino at pagkatapos sa Filipino? Ang mga dahilan ay may kinalaman sa aspektong panlipunan o sosyo-pulitikal ng wika. Buhat sa isang wika ng mga taal na Tagalog at probinsiyang Tagalog, naging wika na ito ng mamamayang Pilipino. Naging pambansa ang naturang wika. Mas marami nang nagsasalita ng Tagalog na hindi taal na Tagalog. Batay sa sensus ng 2000, 9 sa 10ng Pilipino ang nagsasalita at nakakaunawa ng Tagalog, magkakaiba nga lamang ang antas ng kasanayan. Kahit sa dulo ng timog, gaya ng Tawi-Tawi, ay may nagsasalita ng wikang pambansa. Sa pamamagitan ng wikang pambansa ay nagkatotoo na ang pakikipag-usap na inter-etniko. Salamat sa TV, radyo, komiks, paglilipattahanan at sistemang pang-edukasyon. Ngunit, karamihan sa ating mamamayan ay nagsasalita ng unang wika na naiiba sa Tagalog. Ang Sebwano ay unang wika ng may 18.5ng milyong tagapagsalita, sunod dito ang Ilokano na may 7.7ng milyon, Hiligaynon na may 6.9ng milyon at Bikol na may 4.5ng milyon. Ang Tagalog ay may 22ng milyong taal na tagapagsalita. Ang mga di-taal na tagapagsalita ng Tagalog ay naiimpluwensiyahan ng palabigkasan at gramatika ng kanilang unang wika. Halimbawa, ang salitang manî (may impit na tunog sa hulihan) ay binibigkas na mani (walang impit na tunog) ng isang Ilokanong nagsasalita ng Tagalog. Dahil dito, nagsulputan sa buong bansa ang mga baryedad pangrehiyon ng Tagalog. Tinatanggap at kinikilala na ang mga ito na bahagi ng wikang pambansa. Ang Ingles ay pangalawang wika rin ng maraming Pilipino. Gayon man, higit itong prestihiyoso kaysa Filipino. Ayon sa surbey noong 2006 ng Social Weather Stations, 7 sa 10ng Pilipino ang nakakaunawa at nakakabasa sa Ingles. Halos kalahati (48%) ang nagsabing nakakasulat sila sa Ingles at sa ikatlo (32%) ang nagsabing nakakapagsalita nito. Ito ang magpapaliwanag kung bakit kadalasa y pinaghahalo ng mga Pilipino ang Ingles at Filipino. Tinatawag ito ng marami na Taglish. Sa ilan, ito ay kapag sinisimulan mo sa Ingles o Tagalog ang pangungusap, tapos you switch to another language sa parehong pangungusap. Taglish din ang tawag kapag ginagamit mo ang gramatika ng Tagalog ngunit bokabularyo naman ng Ingles. Napakalawak na ng panghihiram ng

Filipino sa Ingles kaya mahigit sa 1,500ng salitang Ingles ang natagpuan nang tatlong beses sa isang corpus ng isang milyong salitang Filipino. Ito ay ayon sa isang pag-aaral noong 1998 na nagmungkahing ang pinakagamiting salitang Ingles gaya ng okey, mommy, pulis, daddy at mister ay bahagi na ng Filipino. Noong 1987 ay pormal nang kinilala ng mga pinuno ng ating bansa ang wikang ito na ginagamit ng mga Pilipino bilang lingua franca nila. Tinawag nila itong Filipino na may F bilang hudyat na ito ay isang wikang batay hindi lamang sa Tagalog kung hindi sa iba pang mga wika ng Pilipinas at dayuhang wika. Nais din nilang ihiwalay ang wikang ito sa Pilipino na ipinalalagay nilang purista. Gayon man, hindi alintana at walang pakialam sa mga pagtatalo ang mga gumagamit ng wikang pambansa. Dalawampung taon matapos mabigyan ng pangalang Filipino ang kanilang wika, ang tawag nila dito ay Tagalog pa rin. Sa maraming talakayan, tinatanong din ako kung ano ang nararapat na itawag sa ating wika, sa tao o sa ating pagkamamamayan at sa ating bansa. Lagi kong sinisimulan ang aking pagsagot sa pagsabing depende sa kung anong wika ang ginagamit. Kung sa Ingles, ang ating wika ay Filipino, ang tao o ating pagkamamamayan ay Filipino at ang ating bansa ay Philippines. Kung sa wikang pambansang tinatawag na Filipino, ang ating wika ay Filipino, ang tao o ating pagkamamamayan ay Pilipino at ang ating bansa ay Pilipinas. Hindi ko ipinapayong gamitin ang Filipinas para sa ating bansa, at Filipino para sa tao o ating pagkamamamayan sapagkat salungat ang mga ito sa opisyal na pagtutumbas. KUNG PAANO PAHALAGAHAN ANG ATING MGA WIKA Ang pambansang wikang tinatawag na Filipino ay isang kumbinyenteng kasangkapan para sa pakikipagtalastasan ng mga grupong etniko. Maaarimg magtungo sa alin mang lugar sa bansa at makipag-usap sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng wikang ito. Ayon sa sensus ng 2000, 65ng milyon sa 76 na milyong Pilipino ang nagsasalita at nakakaunawa ng Filipino. Gayon man, hindi pinapansin ng mga tao ang katotohanang karamihan sa mga Pilipino ang nagsasalita ng Filipino o Tagalog bilang pangalawang wika. May 22ng milyon lamang ang nagsasalita nito bilang unang wika. Doble ng bilang na ito o mga 43ng milyon ang nagsasalita nito bilang pangalawang wika. Maaaring hindi kasinghusay sa wikang ito ang mga di-taal na Tagalog kumpara sa kanilang unang wika. Ito ang dahilan kung bakit bantulot ang ilang pangkat na yakapin ang Filipino. Napipilitan lang sila. Mas gugustuhin nilang mag-ingles sapagkat ito ay pangalawang wika ng lahat. Bukod dito, mas prestihiyoso ito kaysa sa Filipino. Sa kasaysayan ng ating bansa, may natatanging pribilehiyo ang Tagalog kumpara sa ibang mga wika, maliban sa Ingles. Noong 1937, idineklara ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Ibig sabihin, ito ang wikang pambansa. Noong 1959, pinalitan ito ng Pilipino. Noong 1987, muli itong pinangalanang Filipino na may F. Itinalaga rin itong isa sa mga opisyal na wika at midyum ng pagtuturo. Ang mga wika ng rehiyon ay tinawag na mga pantulong na wika sa pamahalaan at sa edukasyon.

Ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa una o pangalawang wika. Hindi rin ito pagwawalang-halaga sa ibang mga wika ng Pilipinas. Paano ba winawalang-halaga ang isang wika? Ang isang paraan ay tawagin mo itong diyalekto. Sa pamamagitan ng tawag na diyalekto ay pinabababa natin ang katayuan ng mga wikang di-tagalog bilang lehitimong paraan ng pagpapahayag. Nababawasan ang pangangailangang matutuhan ang mga ito. Sapagkat Tagalog ang pambansang wika, ang mga akdang pampanitikang nasusulat dito ay siyang itinuturing na pambansang panitikan. Ang pinakamagagaling na manunulat sa Tagalog ay tinataguriang mga pambansang manunulat. Samantala, ang panitikang di-tagalog ay itinuturing na panitikang pangrehiyon o bernakular at ang pinakamagagaling na manunulat dito ay itinuturing na mga manunulat na pangrehiyon o pambernakular. Tingnan naman natin ang kalagayan ng mga di-tagalog. Matiyagang pinag-aaralan ng dayong Ilokano o Bisaya ang wika ng Kamaynilaan samantalang parang walang pakialam sa lokal na wika ang dayong Tagalog. Isa pang paraan ng pagwawalang-halaga sa isang wika ay ang pagsasabi na ang sinumang nagsasalita ng wikang pambansa ay awtomatikong nagiging makabayan. Nangangahulugan ito na sinumang hindi nakapagsasalita nito o iyong mga Inglesero ay hindi makabayan. Ganyan din ang palagay ng ating mga kababayan. Sa surbey ng Social Weather Station noong 1996, 62% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na napakahalaga para sa isang tunay na Pilipino ang makapagsalita ng Pilipino. Kalahati ng mga Bisaya (55%) ang sumang-ayon sa pahayag na ito. Gayon din ang 67% ng mga Mindanaons sa mga pook na urban. Kung gayon, dapat nating itanghal na mga bayani ang mga Hapon na nanakop sa ating bansa noong mga 1940. Noong panahong iyon, ginawa nilang Tagalog ang pangunahing midyum ng pagtuturo, kasabay ng Nihonggo. Ipinagbawal nila ang paggamit ng Ingles. Masyadong kakatwa ang argumentong ito kaya hindi na ito dapat talakayin pa. Winawalang-halaga rin natin ang ating mga wika kung nananalig tayo sa kasabihang isang bansa, isang wika. Nangangahulugan ito ng isang sentralisadong estado-bansa na may isang istandardisadong wika para sa mga opisyal na gampanin at edukasyon. Di lang iilan ang ang sumusuporta sa Ingles upang maging wikang iyon; ang katwiran nila ay ito raw ay para sa globalisasyon at modernisasyon. Giit naman ng iba, dapat ay Filipino sapagkat ito ang wikang pambansa at tayo raw ay mga Pilipino. Wala sa mga paniniwalang ito ang tumutugma sa realidad sa Pilipinas at sa daigdig. Sa Pilipinas, ang karaniwang Pilipino ay nakakapagsalita ng tatlo o apat na wika, maliban sa mga Tagalog na ang alam ay ang wikang sarili at Ingles. Sa mundo, karaniwan ang may alam na dalawa o higit pang wika, samantalang bihira naman ang may alam lamang na isang wika. Mayroong 200ng nasyon-estado subalit may mahigit sa 6,000ng wika. Ibig sabihin, maraming bansa ang may mamamayang marunong ng

mahigit sa isang wika. Ang European Union ay may dalawampu t tatlong opisyal na wika. Ang Canada ay Pranses at Ingles ang mga opisyal na wika. Kahit ang Estados Unidos ay walang nakitang pangangailangang magproklama ng isang wikang pambansa. Ang batas na nagpapairal sa patakarang pangwika ay ang Republic Act 7104. Ito ang batas na nagtatatag sa Komisyon sa Wikang Filipino at nagtatakda rito upang magsagawa, mag-ugnay at magpalaganap ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng ibang mga wika ng Pilipinas. Ang patakaran ay paunlarin at payamanin ang wikang pambansa batay sa mga umiiral na wika at ibang mga wika ng Pilipinas. Sa ibang salita, magkapantay sa wikang pambansa ang halaga ng mga lokal na wika at hindi sunud-sunuran dito. Ang ideya ay palakasin ang mga lokal na wika upang mapalawak ang kaalaman at batayang panlinggwistika ng ating pambansang wika. Ang pinakamahusay na paraan upang mapawalang-halaga ang ano mang wika ay ang pagbabawal na gamitin ito sa sistema ng edukasyon. Dala ng mga bata sa paaralan ang wika ng kanilang tahanan at pamayanan upang burahin lamang ng sistemang bilinggwal. Paboritong pormula ang pagmultahin o parusahan ang mag-aaral dahil sa pagsasalita ng kanilang sariling wika. Akala tuloy ng mga bata, hindi mahalaga ang kanilang wika t kultura at kung gayo y hindi dapat palaganapin. Ang mahalaga lamang ay ang mga wikang ipinagagamit sa buong bansa at ang kaalamang nakasulat dito. Ang karaniwang dahilan kaya hindi ipinagagamit sa paaralan ang mga wika ng bata ay: nagkakawatak-watak daw tayo dahil dito, at hindi raw ito praktikal sapagkat napakarami nating diyalekto. Walang pagkakaisa kapag walang paggalang sa kultura at wika ng bawat isa. May mapupulot tayo sa karanasan ng Papua New Guinea. Ang Papua New Guinea ang may pinakamaraming wika sa daigdig, umaabot sa mahigit sa 800. Subalit hindi ito naging hadlang upang makabuo ng materyales sa literasiya sa saikatlo (1/3) ng mga wika nito. Kung kaya nila, kaya rin natin. Huwag na tayong lumayo. Ang Lubuagan ay isang distrito ng Kalinga na ang midyum ng pagtuturo para sa mga araling pamprimarya kahit sa agham at matematika ay ang lokal na wika. Ang Tagalog at Ingles ay itinuturo bilang mga asignatura. Nagtutulungan sa proyektong ito ang Kagawaran ng Edukasyon, ang Summer Institute of Linguistics at ang pamayanan ng Lubuagan. Nakakagulat ang resulta ng pagsusulit sa pagbasa sa sangay ng Kalinga noong 2006. Ang mga mag-aaral ng Lubuagan ay nagtala ng pinakamataas na iskor sa English (76.5%) at Filipino (76.44%), kumpara sa mga magaaral ng mga distritong tinuruan sa bilinggwal na sistema. Paano natin pinahahalagahan ang ating mga wika? Ang una at pinakamahalagang hakbang ay ang baguhin ang ating saloobin sa ating mga wika. Ituring nating yaman sa halip na pabigat ang ating mga lokal na wika upang mabigyan ng edukasyon ang ating lipunan at mapaangat ang pamumuhay ng mamamayan.

Kailangan natin ang isang wikang pambansa pero kailangan din natin ang ating mga lokal na wika at ang mga wika ng lalong malawak na talastasan (i.e. Ingles at Espanol). Sa pamamagitan ng mga wikang ito, nabubuo natin ang ating etnisidad at kasabay nito ay nakikilala ang ating pagka-mamamayan ng bansa at ng daigdig. Natutulungan tayong mag-isip nang global at kumilos nang lokal. Ang katutubong mga sistema ng kaalamang nakaimbak sa mga lokal na wika ay nagkokomplemento sa ating kaalaman sa agham at teknolohiya ng Kanluran. Ang pinagsamang kaalamang ito ay tumitiyak na ano mang kaunlarang maidudulot nito ay magiging pangmatagalan at makakalikasan. Ang ating mga bata ay may karapatang matuto sa wikang kanilang kinagisnan. Napatunayan nang sa pamamagitan ng mga wika ng tahanan at lokal na kultura ay napapadali ang pagkakatuto ng bata sa eskuwelahan. Nagsisilbi ring tulay ang mga ito upang epektibong makabisa ang ibang wika, gaya ng ipinakita sa Lubuagan. Nagkakaroon ng paggalang sa sarili ang isang mag-aaral kung ang kanyang mga karanasan at ang wikang ginagamit niya sa pagpapahayag ng mga iyon ay tinatanggap o kinikilala. Mula sa kaalamang ito, ang bata ay natututo, nakapagdaragdag ng bagong mga konsepto at nakakabuo ng mas malalim at abstraktong ideya. Kasabay nito, ang ating mga mamamayan ay dapat na mabigyan ng pagkakataong matuto ng wikang pambansa at ng ibang mga wika ng lalong malawak na komunikasyon gaya ng Ingles. Dapat silang mabigyan ng pagkakataon na masubukan ang kakaibang mga posibilidad na ibinibigay ng ekonomiyang pambansa at global. Ang dibersidad pangwika ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagbabago sa katutubong kultura. Sa pagpapahalaga sa ating unang wika, napapahalagahan din natin ang ating pangalawang wika, ang Filipino at Ingles. Ito ay unang hakbang para muling makontrol ng ating mamamayan ang kanilang kapaligiran at ang kanilang likas na karapatang mabuhay.