Department of Education Bureau of Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City

Similar documents
Substance Abuse or Dependence

Opinions and interpretations expressed in this publication do not necessarily reflect the views of the IOM, its member states and the European Union.

Embassy of the United States of America Consular Section - Immigrant Visa Unit Manila, Philippines

Filipino Continuers. Stage 6 Syllabus

For a copy of JJ s presentation at the 4th General Membership Meeting last 20 October 2015, please click on the link below:

Cancer of the Colon and Rectum

Pinoy Internet Network Marketer

PREPARATION GUIDE SUPPLEMENT Bilingual Education Assessment Tagalog (051)

Republic of the Philippines

POLICE RECRUITMENT: A CLOSER LOOK. Nestor Nabe College of Criminal Justice Education University of Mindanao, Bolton Campus, Davao City

RIGHT TOOLS. BETTER OUTCOME LGU DASHBOARD

SPECIAL AWARD FOR AGRI MICRO-BUSINESS NOMINATION FORM (For microenterprises engaged in agriculture farming, forestry, livestock, poultry and fishing)

Honsin!! and Urban Development Coordinating Council HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD ALL CONCERNED

College Spaces and Student Learning Statements

Essential Tagalog Grammar

Tagalog Version 1. September, 2010 MGA ALITUNTUNIN NG HAWAII SA PANGANGASIWA HAWAII ADMINISTRATIVE RULES TITULO 8 TITLE 8

REHABILITATION MEDICINE UNIT STEP BY STEP PROCEDURE

CONTENTS. Message from the President. Foreword MESSAGES. Welcome Remarks. Secretary Leila M. De Lima Department of Justice

Pineda extends more aid to dialysis patients. Pampanga bags 2 awards in Reg l Gawad Kalasag. Mikey files CGMA s CoC for 2nd District rep seat

Capitol officials undergo retraining on governance

Capitol vows aid to former rebels

Edukasyon ng Bayani: Mga Impluwensya ng Edukasyong Natamo sa Kaisipang Rebolusyonaryo*

LIST OF UP DILIMAN GE COURSES Updated per 124 th UPD UC 19 November 2012

Three other Asian countries to adopt hybrid rice technology

Photo by: ICT Office. tenth place among

SCHEDULE SA PAGTASA PARA SA INDEPENDIYENTENG KONTRATISTA (CONTRACT LABOUR)

Inclusion of an agency does not imply endorsement nor is exclusion a reflection on the value or quality of an agency s services.

VG Delta inspects flooded areas in San Luis, Candaba

e-extension and the use of mobile phones in knowledge sharing

Maria Gracia M. Pulido Tan Chairperson, Commission on Audit Guest Speaker and Inducting Officer

2007 Broadcast Code of the Philippines

Community-based Rehabilitation: Mandaluyong s Project T.E.A.C.H

Nona floods 27 Pampanga brgys

Social Protection in the Philippines: A case study on the country s social security model and conditional cash transfer program

UN: CGMA s detention in violation of int l law. Gov, Vice Gov distribute P5-M in handheld radios. Capitol gets P2-M DoLE livelihood aid.

Time Traveler: On Critical Theory in the Philippines Part II (A Philosophical Fiction)

How To Get A Job At A Church

College of Computer Studies and Engineering Lorma Colleges City of San Fernando

Lovestruck. Ronald Molmisa. Singles Edition OMF LITERATURE INC. Manila, Philippines

Guidelines in the Conduct of Diversion for Children in Conflict with the Law

College Recognition Rites themed Reforming and Renewing the Civil Service: An Imperative for Good Governance and Responsive Public Administration

VG Pineda distributes P17.8-M aid to typhoon-affected farmers

Volume 10 Number 1 November 2011 REVIEW PHILIPPINE POPULATION A SSOCIATION

THE BOY SCOUTS PROGRAM

QC court orders arrest of ex-mayor s accusers

Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ng Pamumuno sa Pilipinas 1

Lazatin, no-show at covenant signing

PH INTERNET CONNECTIVITY IS BAD, AND IT S NOT YOUR FAULT

Regional Office. Citizen s Charter. Revised 2013

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES. Sena"te Pasay City. Journal. SESSION NO. 61 Wednesday, February 9, 2011 FIFTEENTH CONGRESS FIRST REGULAR SESSION

Suarez / From Leisure 85

Phillips 66 Renton Terminal Site

Learning Needs in the Multicultural Classroom: Implications to Equitable Teaching

Tagalog III song pack

What Is This Module About?

Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Kabuhayan at hanapbuhay ng Pinay sa sariling bayan.

Filipinizing English Songs By Evangeline Alvarez Encabo (main author) and Cherubim Fajardo Valerio (co-author)

Go away: China tells US. Makulay holds art therapy, participates I-Day expo. Pinoys in Kuwait attend Filcom Family Day. election,

GGDC execs thank Guiao for support to AeroPark. Porac execs praise students for great show at Binulu fest. Remains of Pampango OFW arrive from Macau


On what has been said in Tagalog: Reportative daw. Magdalena Schwager. Universität Göttingen

Representations of Self in Reflection Essays of Philippine University Students 1

The University of the Philippines College of Arts and Letters in Diliman, Quezon City was established in 1983, as a result of a three-way split

PHO: Pampanga s fight vs dengue intensifies. City gov t holds annual Citywide Cleanup Day. Lubao town to open world-class golf course

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Iyong mga Benepisyo sa Ngipin at Dentista sa Culinary

BACHELOR OF SCIENCE IN PHYSICS MINOR IN FINANCE

peaceful elections WEDNESDAY VOLUME IV NO. 157 FEBRUARY 10,

MNTC: NLEx, SCTEx road works to resume Nov. 3

Program Special. Second confab held to discuss competitiveness of Filipino nurses. 2 nd Philippine Nursing Competitiveness Conference

BCDA awards P45.9-M Green City road project. Palace declares Oct. 12, 23 holidays in AC. what s inside. 4 killed, 13 arrested in Bulacan encounter

SABINO A. VENGCO, JR., S.T.D. Lecturer, Professor of Systematic and Sacramental Theology. Courses

THE CORAL TRIANGLE INITIATIVE. A View of a People by the Sea

TRANSITION PROGRAM: PHILIPPINE MODEL

Provider and Pharmacy Directory

Ang Lipunan at Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

SOLANO, NUEVA VIZCAYA, PHILIPPINES 3709 TELEFAX: (078) WEBSITE:

Capitol gives burial aid to kin of victims in Arayat killings

548 abnormal na pagdurugo ART (AntiRetroviral Therapy)

OMNIBUS POLICY ON KINDERGARTEN EDUCATION

TOPICALITY AND REFERENCE-TRACKING IN TAGALOG

QUESTIONS ON MY PROFESSIONAL ETHICS

MMMP Newsletter MESSAGE FROM FR. FERNANDO SUAREZ. The Day I was Embraced by the Pope

ELSA YOUNG LEADERS. Guidebook to Facilitating Leadership Training and Youth Development Programs. Page 1

NO. Song Title Version of Composed by

Dengue cases in Pampanga up by 66%

Call and Text Offers for Prepaid

Nobody vs EdPam. Central. Shellfish ban lifted in Bataan. 4- to 12-hour brownouts set in 2 cities, 2 towns in CL

Annual Notice of Changes for 2015

How To Understand And Understand The Concept Of Accounting

2nd Floor U2 Bldg., Mc-Arthur Highway, Brgy. Dolores, City of San Fernando, Pampanga

Francisco Santiago (Jan. 29, 1889, Sta Maria, Bulacan Sept. 28, 1947, Manila)

Republic of the Philippines OFFICE OF THE PRESIDENT COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

Raquel Accepts PSP and Digicam

PUBLIC ATTORNEY S OFFICE CITIZEN S CHARTER M I S S I O N

Kundiman love songs from the Philippines: their development from folksong to art song and an examination of representative repertoire

Flood victims get P4.4-M assistance from Capitol. TTKD 2015 posts biggest crowd attendance so far

Barkadahan sa SmarTone SIM cards Terms & Conditions and Tariff

DR. NARISA J. SUGAY Senior Manager, Non Formal Sector Member Management Group THE CHALLENGES AND WAYS FORWARD IN PROVIDING UNIVERSAL HEALTH CARE

Republic of the Philippines OFFICE OF THE PRESIDENT COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

Transcription:

Department of Education Bureau of Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 20 Pagsulat ng Talaarawan 1

Modyul 20 Pagsulat ng Talaarawan Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka, kaibigan? Matagumpay mo bang napag-aralan ang modyul sa pagsulat ng anekdota? Nakasulat ka ba ng sarili mong anekdota? Nasunod mo ba ang ilang gabay sa pagsulat nito? Sana ay OO ang sagot mo. Isang gawaing pasulat na naman ang iyong matututuhan sa modyul na ito. Kung sa nakaraang modyul ay natutuhan mo ang paraan ng pagsulat ng anekdota, sa modyul namang ito ay mapagaaralan mo ang pagsulat ng talaarawan. Itinatanong mo kung paano nagkakaiba ang pagsulat ng anekdota sa pagsulat ng talaarawan? Malaki ang pagkakaiba, kaibigan. Kung nakaaaliw ang anekdotang nabasa at naisulat mo, magiging seryoso ang mga pangungusap na gagamitin mo sa pagsulat ng talaarawan. Maikli lamang ang naisulat mong pangyayari sa anekdota, di ba? Sa susulatin mong talaarawan, mahaba-habang pangyayari ang susulatin mo. Hindi lang iyan ang pagkakaiba. Marami ka pang matututuhan sa araling ito kung babasahin at pag-aaralan mo ang kabuuan ng modyul na ito. Kung nasiyahan ka sa pagsulat ng sarili mong anekdota sa nakaraanag aralin, sa araling ito ay magaganyak kang makasulat ng talaarawan. Tama, talaarawan. Narinig mo na ba ang salitang ito? Siguro naman ay oo, di ba? 2

Ano ang matututunan mo? Bago ka makasulat ng talaarawan ay mahalagang magkaroon ka ng ilang impormasyon ukol dito. Dahil dito, sa kabuuan ng aralin ay nakatitiyak akong matutugunan mo ang mga sumusunod na layunin: 1. nakabubuo ng lohikal na pagsasalaysay 2. naipapakita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng sariling talaarawan 3. nagagamit ang kaalaman sa pagbubuo ng talaarawan - format - nilalaman - pamantayan sa pagsulat - paraan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 3

4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Ano na ba ang alam mo? Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Bibigyan kita ng panimulang pagsusulit. Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel. A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng salitang bubuo sa pangungusap. 1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita ng pagtatala ng mga pangyayari. A. kapag may araw. B. araw-araw. C. lingguhan. D. buwanan. 2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga. A. tauhan. B. tagpuan. C. pangyayari. D. usapan. 3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng. A. bagay. B. kulay. C. pangalan. D. petsa. 4

4. Epektibo ang pagsusulat ng talaarawan sa. A. madaling-araw. B. umaga. C. tanghali. D. gabi. 5. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na maging. A. pamalagian. B. pansamantala. C. di-kapani-paniwala. D. makatotohanan. 6. Sa pagsulat ng talaarawan ay kailangang maayos ang mga. A. pananaw. B. panimula. C. detalye. D. wakas. 7. Ang pagsulat ng talaarawan ay higit na. A. personal. B. interpersonal. C. makabayan. D. masaklaw. 8. Tulad ng pagtatala ng petsa, dapat ding maging tiyak sa pagsulat ng A. panimula. B. tagpuan. C. tauhan. D. oras. 9. Madalas na ang susulating talaarawan ay. A. inililihim. B. ipinababasa sa iba. C. pinagtatalunan. D. binabasa nang malakas. 5

10. Personal ang talaarawan kaya. A. dapat ipabasa sa iba. B. ilihim sa iba. C. huwag ipabasa sa iba. D. sa gabi lang sulatan. B..Basahin ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang maaaring maganap na mga pangyayari sa pangalawang araw para makabuo ng isang talaarawan. 1. Nobyembre 23 Nagsusungit ang panahon. Nagliliparan ang mga bubong ng bahay dahil sa lakas ng hangin. Idineklara nang calamity area ang buong lalawigan ng Quezon at ilang bayan sa Ilocos Sur, Sorsogon, Bulacan, Pangasinan at Nueva Ecija. Nobyemre 24 -. 2. Disyembre 12 Hindi makatulog si Mitz. Gabi-gabi na lang, pinipilit niyang makatulog ngunit talagang ayaw siyang dalawin ng antok. May sakit siya na dapat maipakunsulta sa doktor. Disyembre 13. 6

C. Itala sa sagutang papel ang mga pangyayaring naganap sa iyong buhay noong nakaraang panahon ng Kapaskuhan. Sundin ang porma sa ibaba: Petsa Pangyayari Disyembre 16 Disyembre 17 Disyembre 19 Disyembre 20 Disyembre 21 Disyembre 22 Disyembre 23 Disyembre 24 Disyembre 25 Kunin mo sa guro ang SUSI SA PAGWAWASTO at tsekan mo ang iyong papel. Ano, nasagutan mo bang lahat? Itanong mo sa iyong guro kung kailangan mo pang pagaralan ang modyul na ito kung oo ang iyong sagot. 7

Mga Gawain sa Pagkatuto Alamin Nagbabasa ka ba ng recipe, kaibigan? Sinusubaybayan mo bang basahin ang mga recipe sa mga dyaryo at magasin? Nakababasa ka ba ng mga recipe sa likod ng mga leybel ng ilang mga produktong isinalata? Kung mahilig kang magluto, sinusunod mo ba ito? Ano ang napupuna mo habang nagbabasa ka ng recipe? Tama, sunud-sunod ang mga hakbang sa paghahanda ng pagkain. Basahin mo ang halimbawa: Paggawa ng Peach Float Mga sangkap: 1 lata ng gatas condensada 2 all purpose cream 1 lata ng peach halves Paraan ng paggawa: 1. Durugin nang pino ang crakers. 2. Paghaluin ang gatas at all purpose cream. 3. Hiwain nang manipis ang peach halves. 4. Lagyan ng pinaghalong gatas at cream ang baking pan. 5. Ilagay ang dinurog na crakers. 6. Ilagay ang peaches sa ibabaw ng crakers. 7. Ulitin ang 4, 5, at 6 hanggang maubos ang mga sangkap. 8. Takpan ng aluminum foil at ilagay sa freezer hanggang tumigas. 8

B. Napansin mo bang magkakasunod ang mga hakbang ng recipe? Bakit mahalaga ito sa paghahanda ng pagkain? Marahil ay nagtataka ka kung ano ang relasyon ng pagsusunud-sunod ng mga hakbang ng recipe sa ihahanda mong talaarawan. Bago mo malaman ang sagot, basahin mo pa ang susunod na impormasyon. Linangin Sabik ka na bang matutuhan ang paraan ng pagsulat ng talaarawan? Bago ko ito ituro sa iyo ay basahin mo muna ang mga petsa sa Hanay A. Hanapin mo sa Hanay B ang selebrasyong pantapat dito. Handa ka na ba? Simulan mo nang itapat ang mga petsa sa Hanay A sa mga selebrasyong nakatala sa hanay B. A B Enero 1 Pebrero 14 Abril 2 Mayo 1 Hunyo 12 Nobyembre 1 Nobyembre 15 Disyembre 25 Huling araw ng Ramadan Araw ni Balagtas Bagong Taon Araw ng Paggawa Araw ng mga Patay Araw ng Pasko Araw ng mga Puso Araw ng Kalayaan 9

Ito ang tamang sagot: Enero 1 -------------------- Bagong Taon Pebrero 14 -------------------- Araw ng mga Puso Abril 2 Mayo 1 Hunyo 12 -------------------- Araw ni Balagtas -------------------- Araw ng Paggawa -------------------- Araw ng Kalayaan Nobyembre 1 ------------------ Araw ng mga Patay Nobyembre 15 ----------------- Huling Araw ng Ramadan Disyembre 25 ------------------ Araw ng Pasko Nasagutan mo ba lahat? Kung tama lahat ang sagot mo, mahusay kang magmemorya ng mga petsa at natatandaan mo ang mahalagang selebrasyong nakapaloob dito. Kung isa o dalawa lamang ang mali sa mga sagot mo, marahil ay hindi ka pamilyar sa mga petsa at selebrasyong nabanggit. Nagtataka ka kung bakit ipinabasa ko sa iyo ang mga petsa at ang mga selebrasyong nakapaloob dito? Ang mga petsa at mga pangyayari kasi ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng talaarawan. Bukod dito, kapag naitala mo na ang mga petsa at mga pangyayari sa iyong susulating talaarawan ay maaari ka nang makapagsalaysay nang lohikal. Makapagsasalaysay ka na ng mga pangyayari sa iyong mga kaibigan. Sa ganitong paraan, mapapalawak mo pa ang mga pangyayaring isusulat mo sa iyong talaarawan. Magkaugnay ang pagsasalita sa pagsulat, di ba? Gusto mo pang magkaroon ng impormasyon tungkol sa lohikal na pagsasalaysay? basahin mo pa ito: Sige, Sa payak na pagpapakahulugan, ang pagsasalaysay ay isang pagkukuwento. Ito y paglalahad ng mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud-sunod. 10

Upang maging lohikal ang pagsasalaysay, dapat itong magtaglay ng mga sumusunod na katangian: 1. Ang pagsasalaysay ay dapat binuo ayon sa panahong sakop ng mga pangyayari na inilahad nang may wastong pagkakasunud-sunod. 2. Dapat na alam na alam ng nagsasalaysay ang paksa, ang nilalaman at ang katangian nito. 3. Dapat na maging sunud-sunod ang mga pangyayari nang may pataas nang pataas na kawilihan. 4. Kung sinimulan ang salaysay nang malinaw, maayos at makatawag-pansin, dapat ding matapos ito sa ganitong paraan. Malinaw na ba sa iyo kung bakit mahalaga ang pagsasalaysay? Magandang karanasan din ang makapagsalaysay ka sa iyong mga kaibigan ng mga pangyayaring nagaganap sa iyong buhay. Malungkot man o masaya, tiyak na magiging interesado ang mga kaibigan mo na makinig sa iyo. Gawin mo lamang na lohikal ang pagsasalaysay mo. Ang isang halimbawang maisasalaysay mo ay kung paano mo idinaraos ang iyong bertdey o ano mang okasyong ipinagdiriwang mo. Naniniwala ka bang napakahalaga ng petsa sa buhay mo? Dapat lang, di ba? Mahalaga ang bertdey mo o bertdey ng mga mahal mo sa buhay. Masaya ka kapag dumarating ang Araw ng Pasko at Bagong Taon. Hindi mo malilimutan ang mga petsang iyon, di ba? Dahil hindi mo malilimutan, naitala mo ba sa papel o sa notbuk ang mga pangyayaring naganap sa mga petsang nabanggit? Halimbawa: Hulyo 21 Bertdey ko. Maaga akong nagsimba. Naghanda si nanay ng pansit, puto at spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase. Binigyan ako ni nanay ng P500 kaya nagpunta ako sa mall. 11

Ibinili ko ng notbuk iyong P180, ng belt iyong P 150 at nanood ako ng sine. Idinagdag ko sa baon ko iyong natirang pera. Hulyo 22 Parang dalawang beses kong sinelebreyt ang bertdey ko. Kasi, nagluto uli si nanay ng pansit at spaghetti. Nagpaluto rin siya ng puto. Dumating kasi ang mga pinsan ko mula sa Nueva Ecija. Napuna mo ba ang pagkakaugnay ng petsa at mga pangyayari? Itinala ng nagsasalaysay ang petsa ng kanyang kapanganakan. Sa katapat ng petsang ito ay inilahad niya ang mga pangyayaring naganap ayon sa pagkakasunud-sunod. Alam mo ba ang tawag sa isinulat ng nagsasalaysay? Tama ka. Ang tawag dito ay talaarawan. Pansinin mo ang salitang talaarawan. Napuna mo ba ang pagtatambal ng mga salitang tala at araw? Kasi, ang talaarawan ay tala ng mga pangyayaring nagaganap araw-araw. Narito pa ang halimbawa: Mayo 25 Bukas pa ang pista sa Sto Cristo pero ngayon pa lang ay pupunta na kami sa probinsya. Tanghali na nang makasakay kami ng bus. Nainis ako kasi hindi air-con bus ang sinakyan namin. Ang bagal pa ng biyahe. Mag-aala-singko na ng hapon nang dumating kami sa 12

Sto Cristo. Abala sa pagluluto ang mga kamaganak namin. Mayo 26 Araw ng kapistahan ni Sto. Cristo. Maaga kaming nagsimba. Maraming naging bisita kaya pati ako napagod sa pagaasikaso. Gabi na nang magdaos ng prusisyon. Mayo 27 Tanghali na kami umuwi. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa bus. Ngayong malinaw na sa iyo ang kahulugan at mga elemento sa pagsulat ng talaarawan ay ituturo ko naman sa iyo ang mga hakbang sa pagsulat ng iyong sariling talaarawan. Handa ka na ba? Simulan mo nang basahin. 1. Kumuha ng isang notbuk na gagamitin sa pagtatala. 2. Isipin ang mahahalagang petsa at itala ayon sa pagkakasunudsunod. 3. Itala ang mahahalagang pangyayaring naganap sa katapat ng mga petsa ayon sa pagkakasunud-sunod. Ngayon naman, simulan mong isalaysay sa katabi mo ang iyong natutuhan. Gawin mo ito sa paraang malinaw, maayos, at may pagkakasunud-sunod. 13

Gamitin A. Basahin at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa Hanay B. Markahan ng 1-8 ang sagutang papel at dito isulat ang tamang sagot. Mga Hakbang na Ginawa Ko Habang Lumilindol at Pagkatapos Lumindol Hulyo 25 Nanatili ako sa lugar na may matibay na pundasyon. Lumabas ako nang maayos at tahimik sa lugar na maraming tao. Humanap ako ng mesa at nagtago ako sa ilalim. Hinanda ko ang aking sarili sa iba pang pagyanig. Tinawagan ko ang mga kamag-anak ko at kaibigan sa pamamagitan ng cellphone. Inalam ko kung may mga kasamahan akong nasugatan para mabigyan ko ng pangunahing lunas. Lumilindol kaya sa halip na sumigaw ay kinalma ko ang aking sarili. Tinandaan ko ang kinalalagyan ng mahahalagang bagay gaya ng switch, fire exit, atb. Iwasto mo ang mga sagot mo sa iyong sagutang papel. Ito ang mga tamang sagot: 2, 6, 3, 5, 8, 7, 1, 4 Wasto ba ang lahat ng sagot mo? Magaling! 14

B. Basahin mo ang mga pangyayaring nakatala sa talaarawan. Isulat sa sagutang papel ang pangyayaring maaaring maganap sa mga susunod na araw, Mayo 8-10. Ipakita sa guro ang iyong sagot. Mayo 7 Bertdey ni Papa (ayaw niyang patawag ng lolo). Ayaw sabihin ang edad niya pero nabasa ko sa sedula niya na 56 na siya. Lahat kaming magkakapatid at magpipinsan ay dinala niya sa Island Cove. Gastos niya lahat. Dalawang araw kami rito. Mayo 8 (Isulat ang mga pangyayaring naganap sa Island Cove) Mayo 9 (Isulat ang mga pangyayaring naganap sa huling araw) Mayo 10 (Isulat ang mga pangyayaring naganap sa bahay) Lagumin Mula sa araling nabasa mo ay natuklasan mong ang salitang talaarawan ay nagmula sa mga salitang tala at araw. Tala ng mga pangyayaring nagaganap araw-araw. Sa paghahanda ng sariling talaarawan ay dapat sundin ang mga sumusunod na hakbang gaya ng paghahanda ng notbuk na pagsusulatan, pag-iisip ng mahahalagang petsa at pagtatala ayon sa pagkakasunud-sunod, at pagtatala ng mga pangyayaring naganap katapat ng mga petsa ayon sa pagkakasunud-sunod. Malinaw na ba sa iyo ang pagtalakay sa mga aralin? Handa ka na bang makasulat ng sarili mong anekdota? Basahin mo ang susunod na gawain. 15

Subukin A. Itala sa sagutang papel ang sa palagay mo y mahahalagang elemento sa paghahanda / pagsulat ng sariling talaarawan na hindi nabanggit sa naitalang impormasyon. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. oras tao bantayog sasakyan lugar damit sundalo turismo B. Basahin ang mga petsa sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang mga pangyayaring naganap sa mga petsang nabanggit. Dugtungan ang mga patlang ng susunod na mga pangyayari. Hanay A - Petsa Hanay B - Pangyayari Marso 16, 1561 (Pagdiskubre ni Magellan sa Pilipinas) Hunyo 12, 1898 (Araw ng Kalayaan) Pebrero 25, 1986 (Edsa Revolution) 1. 2. 3. 1. 2. 3. 1. 2. 3. Mayo 10, 2004 (National Presidential Election) 1. 2. 3. 16

Paunlarin A. Suriin ang pangyayari sa bawat bilang. Isulat sa dahong sagutan kung saang paksa ito kabilang. Piliin ang sagot sa mga salitang nakakahon. pagbaha pagdalo sa pagtitipon paggawa ng proyekto pagtulong sa kapwa pagkakasakit pagsali sa patimpalak panonood ng sine pamimiyesta pagsakay sa MRT 1. Kayraming handa nina Tita Ningning. Pati ang musikong tumugtog sa prusisyon ay kanyang pinakain. Sa gabi ay sumali ako sa timpalak sa pag-awit. 2. Nagtutulakan ang mga tao sa pagsakay. Kasi naman, nagwelga ang mga driver ng dyip at bus. Kaya wala akong mapipiling sakyan kundi ang mahabang tren na ito. 3. Katatakutan ang panonoorin ko kaya napilitan akong isama ang nakababata kong kapatid. 4. Naku, pagbukas ko ng pinto ay napasigaw ako. Hindi pala ako makakapasok dahil abot-binti na ang tubig-baha. 5. Takot ako sa iniksyon pero nang itusok sa akin ng doktor ang karayom ay napapikit na lamang ako sa sakit. Mahirap maospital. Ito ang tamang sagot: 1. pamimiyesta 2. pagsakay sa MRT 3. panonood ng sine 4. pagbaha 5. pagkakasakit Tama ba ang mga sagot mo? Magaling! 17

Gaano ka na kahusay? A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng salitang bubuo sa pangungusap. 1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita ng pagtatala ng mga pangyayari. A. kapag may araw. B. araw-araw. C. lingguhan. D. buwanan. 2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga. A. tauhan. B. tagpuan. C. pangyayari. D. usapan. 3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng. A. bagay. B. kulay. C. pangalan. D. petsa. 4. Epektibo ang pagsusulat ng talaarawan sa. A. madaling-araw. B. umaga. C. tanghali. D. gabi. 18

5. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na maging. A. pamalagian. B. pansamantala. C. di-kapani-paniwala. D. makatotohanan. 6. Sa pagsulat ng talaarawan ay kailangang maayos ang mga. A. pananaw. B. panimula. C. detalye. D. wakas. 7. Ang pagsulat ng talaarawan ay higit na. A. personal. B. interpersonal. C. makabayan. D. masaklaw. 8. Tulad ng pagtatala ng petsa, dapat ding maging tiyak sa pagsulat ng A. panimula. B. tagpuan. C. tauhan. D. oras. 9. Madalas na ang susulating talaarawan ay. A. inililihim. B. ipinababasa sa iba. C. pinagtatalunan. D. binabasa nang malakas. 10. Personal ang talaarawan kaya. A. dapat ipabasa sa iba. B. ilihim sa iba. C. huwag ipabasa sa iba. D. sa gabi lang sulatan. 19

B.. Basahin ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang maaaring maganap na mga pangyayari sa pangalawang araw para makabuo ng isang talaarawan. 1. Nobyembre 23 Nagsusungit ang panahon. Nagliliparan ang mga bubong ng bahay dahil sa lakas ng hangin. Idineklara nang calamity area ang buong lalawigan ng Quezon at ilang bayan sa Ilocos Sur, Sorsogon, Bulacan, Pangasinan at Nueva Ecija. Nobyemre 24 -. 2. Disyembre 12 Hindi makatulog si Mitz. Gabi-gabi na lang, pinipilit niyang makatulog ngunit talagang ayaw siyang dalawin ng antok. May sakit siya na dapat maipakunsulta sa doktor. Disyembre 13. 20

C. Itala sa sagutang papel ang mga pangyayaring naganap sa iyong buhay noong nakaraang panahon ng Kapaskuhan. Sundin ang porma sa ibaba: Petsa Pangyayari Disyembre 16 Disyembre 17 Disyembre 18 Disyembre 19 Disyembre 20 Disyembre 21 Disyembre 22 Disyembre 23 Disyembre 24 Disyembre 25 21

Susi sa Pagwawasto Modyul 20 Pagsulat ng Talaarawan Panimula at Pangwakas na Pagsusulit A. 1. B 2. C 3. D 4. D 5. D 6. C 7. A 8. B 9. A 10. C B. Ipakita mo sa iyong guro ang isinulat mong mga tala. Siya ang magwawasto nito 22