Tingnan kung anong mga uri ng klase para sa wikang Danish ang inihahandog sa mga imigranteng mag-aaral.

Similar documents
Embassy of the United States of America Consular Section - Immigrant Visa Unit Manila, Philippines

Substance Abuse or Dependence

Cancer of the Colon and Rectum

PREPARATION GUIDE SUPPLEMENT Bilingual Education Assessment Tagalog (051)

Opinions and interpretations expressed in this publication do not necessarily reflect the views of the IOM, its member states and the European Union.

Tagalog Version 1. September, 2010 MGA ALITUNTUNIN NG HAWAII SA PANGANGASIWA HAWAII ADMINISTRATIVE RULES TITULO 8 TITLE 8

College Spaces and Student Learning Statements

Phillips 66 Renton Terminal Site

SCHEDULE SA PAGTASA PARA SA INDEPENDIYENTENG KONTRATISTA (CONTRACT LABOUR)

For a copy of JJ s presentation at the 4th General Membership Meeting last 20 October 2015, please click on the link below:

LIST OF UP DILIMAN GE COURSES Updated per 124 th UPD UC 19 November 2012

Edukasyon ng Bayani: Mga Impluwensya ng Edukasyong Natamo sa Kaisipang Rebolusyonaryo*

SPECIAL AWARD FOR AGRI MICRO-BUSINESS NOMINATION FORM (For microenterprises engaged in agriculture farming, forestry, livestock, poultry and fishing)

Inclusion of an agency does not imply endorsement nor is exclusion a reflection on the value or quality of an agency s services.

Pinoy Internet Network Marketer

POLICE RECRUITMENT: A CLOSER LOOK. Nestor Nabe College of Criminal Justice Education University of Mindanao, Bolton Campus, Davao City

Honsin!! and Urban Development Coordinating Council HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD ALL CONCERNED

Republic of the Philippines

RIGHT TOOLS. BETTER OUTCOME LGU DASHBOARD

CONTENTS. Message from the President. Foreword MESSAGES. Welcome Remarks. Secretary Leila M. De Lima Department of Justice

Community-based Rehabilitation: Mandaluyong s Project T.E.A.C.H

Three other Asian countries to adopt hybrid rice technology

e-extension and the use of mobile phones in knowledge sharing

Annual Notice of Changes for 2015

Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Kabuhayan at hanapbuhay ng Pinay sa sariling bayan.

Capitol vows aid to former rebels

Pineda extends more aid to dialysis patients. Pampanga bags 2 awards in Reg l Gawad Kalasag. Mikey files CGMA s CoC for 2nd District rep seat

Capitol officials undergo retraining on governance

Essential Tagalog Grammar

Filipino Continuers. Stage 6 Syllabus

BACHELOR OF SCIENCE IN PHYSICS MINOR IN FINANCE

C. LIST OF GRADUATE THESES

Social Protection in the Philippines: A case study on the country s social security model and conditional cash transfer program

Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ng Pamumuno sa Pilipinas 1

Photo by: ICT Office. tenth place among

Learning Needs in the Multicultural Classroom: Implications to Equitable Teaching

Ang Lipunan at Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

College of Computer Studies and Engineering Lorma Colleges City of San Fernando

How To Get A Job At A Church

City College of San Francisco. Catalog

Provider and Pharmacy Directory

Guidelines in the Conduct of Diversion for Children in Conflict with the Law

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES. Sena"te Pasay City. Journal. SESSION NO. 61 Wednesday, February 9, 2011 FIFTEENTH CONGRESS FIRST REGULAR SESSION

Lovestruck. Ronald Molmisa. Singles Edition OMF LITERATURE INC. Manila, Philippines

Maria Gracia M. Pulido Tan Chairperson, Commission on Audit Guest Speaker and Inducting Officer

Nona floods 27 Pampanga brgys

VG Delta inspects flooded areas in San Luis, Candaba

2007 Broadcast Code of the Philippines

Issuance State Viewed Co-Applicant Federal or State ID: MERCHANT COPY MERCHANT COPY MERCHANT COPY MERCHANT COPY MERCHANT COPY MERCHANT COPY / /

Department of Health Care Services

College Recognition Rites themed Reforming and Renewing the Civil Service: An Imperative for Good Governance and Responsive Public Administration

MASTERAL PROGRAMS. Majors: English, Physical Science, Filipino, Mathematics

THE DEVELOPMENT AND STATE OF THE ART OF ADULT LEARNING AND EDUCATION (ALE) National report of Denmark. by The Ministry of Education

Education and training in Denmark Facts and Key Figures

Starbridge 170 & 0RX: Connecticut General Life Insurance Co

Anthem Blue Cross and Blue Shield Anthem KeyCare 25 / $10/$20/$35/20% Summary of Benefits and Coverage:

Starbridge W05 & 2QX: Connecticut General Life Insurance Co

The University of the Philippines College of Arts and Letters in Diliman, Quezon City was established in 1983, as a result of a three-way split

MNTC: NLEx, SCTEx road works to resume Nov. 3

REHABILITATION MEDICINE UNIT STEP BY STEP PROCEDURE

Volume 10 Number 1 November 2011 REVIEW PHILIPPINE POPULATION A SSOCIATION

VG Pineda distributes P17.8-M aid to typhoon-affected farmers

THE BOY SCOUTS PROGRAM

No. You don't have to meet deductibles for specific services, but see the chart starting on page 3 for other costs for services this plan covers.

UN: CGMA s detention in violation of int l law. Gov, Vice Gov distribute P5-M in handheld radios. Capitol gets P2-M DoLE livelihood aid.

Lazatin, no-show at covenant signing

Empire Blue Cross Empire HMO 2250, Silver CSR 2, NS, INN, Pediatric Dental, Dep 25 Summary of Benefits and Coverage:

T a b l e o f C o n t e n t s

The Register of Courses. The Adult Education register

Anthem Blue Cross and Blue Shield Anthem Bronze Pathway X PPO 5000/30%/6600 Plus Summary of Benefits and Coverage:

Important Questions Answers Why this Matters:

Barkadahan sa SmarTone SIM cards Terms & Conditions and Tariff

How To Understand And Understand The Concept Of Accounting


Important Questions Answers Why this Matters:

548 abnormal na pagdurugo ART (AntiRetroviral Therapy)

Call and Text Offers for Prepaid

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Iyong mga Benepisyo sa Ngipin at Dentista sa Culinary

Your Cost If You Use a Participating Provider

Anthem Blue Cross and Blue Shield Anthem Silver DirectAccess - cbaa Summary of Benefits and Coverage:

DR. NARISA J. SUGAY Senior Manager, Non Formal Sector Member Management Group THE CHALLENGES AND WAYS FORWARD IN PROVIDING UNIVERSAL HEALTH CARE

Anthem Blue Cross of California Anthem Bronze 60 D Health Savings Account PPO Summary of Benefits and Coverage:

Time Traveler: On Critical Theory in the Philippines Part II (A Philosophical Fiction)

Raquel Accepts PSP and Digicam

Regional Office. Citizen s Charter. Revised 2013

Program Special. Second confab held to discuss competitiveness of Filipino nurses. 2 nd Philippine Nursing Competitiveness Conference

TITLE IX RESOURCE GUIDE

Capitol gives burial aid to kin of victims in Arayat killings

Suarez / From Leisure 85

PRICING ADDENDUM FOR DILLARD S CREDIT CARD AGREEMENT As of September 30, 2015

Your Summary of Benefits Dental PPO Plan

ELSA YOUNG LEADERS. Guidebook to Facilitating Leadership Training and Youth Development Programs. Page 1

Representations of Self in Reflection Essays of Philippine University Students 1

PRICING ADDENDUM FOR DILLARD S AMERICAN EXPRESS CREDIT CARD AGREEMENT As of September 30, 2015

OMNIBUS POLICY ON KINDERGARTEN EDUCATION

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY CITIZEN S CHARTER

Go away: China tells US. Makulay holds art therapy, participates I-Day expo. Pinoys in Kuwait attend Filcom Family Day. election,

Country Report on Adult Education in DENMARK

Adult Education in Denmark

Transcription:

1 Tingnan kung anong mga uri ng klase para sa wikang Danish ang inihahandog sa mga imigranteng mag-aaral.

Alam nating lahat kung gaano kahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga tao na ating nakakasalimuha sa ating buhay araw-araw. Kapag naninirahan sa Denmark, nakakatulong kung nakakaintindi at nakakapagsalita ng Danish kung plano ninyong tumira nang maginhawa at makakilos sa lugar ng trabaho at komunidad. Sa pagsasaalang-alang nito, aming ginawa ang brochure na ito para sa humigit-kumulang na 47.000 mga miyembro ng 3F na may etnikong background maliban sa Danish. Ito ay nagbibigay ng malawakang pananaw sa mga opsyon na maaaring mapagpilian sa pagkuha ng klase sa wikang Danish para sa mga imigranteng magaaral sa Denmark. Ako ay umaasa na kayo ay mabigyang inspirasyon at maaaring makahanap ng naaangkop para sa inyo. Tulad nang sinabi ng isa sa aming mga mag-aaral, "ang aking pinakamalaking hamon ay ang wikang Danish, pero ang solusyon lang dito ay pag-aralan ito". Ang wika ang susi sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao. General Secretary ng 3F Responsable para sa Labour Market, Education at Integration 2

Ang brochure na ito ay naglalarawan sa mga opsyon noong mga may trabaho. Iyong mga walang trabaho ay dapat makipag-usap sa job centre at sa unemployment fund tungkol sa kanilang mga opsyon sa pagkuha ng iba't ibang mga uri ng kurso para sa wikang Danish. Saan kayo makakakuha ng kurso para sa wikang Danish na pinaka-angkop sa inyong mga pangangailangan? May ilang mga paaralan na naghahandog ng mga kursong Danish para sa mga imigranteng mag-aaral. Ang bawat klase ay tiyak para sa medyo ibang target group. Ito ay nangangahulugan na may mga pagkakaiba sa antas ng pagtuturo sa Danish. Ano na ang antas ng inyong kaalaman sa wikang Danish? Bago magsimula ng isang kurso para sa wikang Danish, kakailanganin ninyong kumuha ng isang maiksing pagsusulit para matasa kung gaano kahusay ang inyong kaalaman sa wikang Danish. Maaaring isang pagsusulit ito, isang screening o isang pagtatasa sa indibiduwal na kakayahan. Ang layunin ay pareho lang: para matiyak na makahanap kayo ng kurso para sa wikang Danish na angkop sa inyo at sa inyong mga pangangailangan. Malawakang pananaw ng mga kurso para sa wikang Ingles para sa mga imigranteng magaaral sa iba't ibang paaralan. Ang mga kurso para sa wikang Danish ng Danish Language Centres para sa mga bayan, kasama na ang 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho (Pasimula sa Wikang Danish) Preparatory Adult Education Programme (FVU) o Programa para sa Paghahanda sa Edukasyon na para sa Adulto Ang mga Adult Educational Centres (VUC) ay karaniwang responsabile para sa mga klaseng to, na nakaayos sa paraan na marami itong mga hakbang o yugto. Ang mga ito ay ang FVU Start at FVU Reading for Bilinguals. Ang AMU (Adult Vocational Training Programmes o Mga Programa para sa Bokasyonal na Pagsasanay sa mga Adulto) na kurso sa wikang Danish bilang ikalawang wika sa mga vocational na paraalan. Dito ay matatagpuan ninyo ang parehong mga kurso na tiyak para sa pag-aaral ng wikang Danish at mmga kurso na kombinasyon ng pag-aaral ng Danish at mga vocational na kurso ng AMU. General Adult Education (AVU). Ang Adult Educational Centres (VUC) ay karaniwang responsabile para sa mga klaseng ito. Ang AVU ay nakaayos sa isang paraan na marami itong mga hakbang o yugto para sa pag-aaral ng wikang Danish. Gayunman, ang lahat ng mga ito ay tinuturo sa mas mataas na level. Pagpopondo May iba't ibang paraan para mapangasiwaan ang pagpopondo para makuha ang bawat kurso. May mga tuition fee para sa ilang mga kurso, habang ang iba naman ay libre. Naghahandog ng allowance para sa karamihan ng mga kurso. Parati kayong makakahingi ng tulong mula sa inyong lokal na 3F na branch, kung 3 saan tiyak silang makakapagbigay ng gabay sa inyo patungo sa wastong direksy-

'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho (Pasimula sa Wikang Danish) Target na grupo para sa 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho: Ang 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho ay para sa: : Iyong mga kakarating lang sa Denmark at nagtatrabaho sa Denmark Iyong mga sinasamahan ang kanilang mga asawa Iyong mga commuter na dumadaan sa pagitan ng mga bansang EU Ang bayan o munisipyo ang may pananagutan sa paghahandog ng mga klase. Ang kurso ay may general na wikang Danish, lengguwahe para sa paggamit sa negosyo at may kaugnayan sa trabaho at nagtutuon ng pansin sa kultura sa trabaho, kapaligiran sa trabaho at kaligtasan. Ang kurso ay binubuo ng 250 oras ng pagtuturo sa wikang Danish na hinahati sa limang mga modulo, na ang bawat isa ay may tagal na 50 oras. Kailangang makumpleto ang mga ito sa loob ng isang taon at kalahati. Sa sandaling nakumpleto na ninyo ang 250 oras sa loob ng isang taon at kalahati, maaari na ninyong kunin ang modulong pagsusulit. Saan isinasagawa ang 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho? Ang kurso ay karaniwang ginaganap sa isang language centre (sentro para sa wika), gayunman maaari rin maganap ang pagtuturo sa iba pang mga lokasyon, halimbawa, sa inyong pinagtatrabahuhan o sa inyong lokal na 3F na branch. Pagpopondo Libre ang pag-aaral at maaari kayong makakuha ng State Educational Support for Adults (SVU) kung kayo ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong mag-apply para sa SVU bago magsimula ang kurso. 4

"Pagkatapos kong kuhanin ang aking kurso para sa wikang Danish, mas mainam ko nang nauunawaan ang sistema sa Denmark. Ngayon ay sinasabi ko sa aking mga kasamahan sa trabaho sa wikang Danish ang aming mga karapatan sa trabaho. Lubos silang nagagalak dito." Firuta Larsen, ipinanganak sa Romania, Service Assistant sa Rigshospitalet 5

Mga Klase para sa Wikang Danish Target na grupo para sa Mga Klase sa Wikang Danish: Ang mga Danish na Klase ay para sa: Iyong mga bagong dating na refugees Iyong mga dumating upang magkaisa muli ang kanilang mga kapamilya Iyong mga nakakumpleto ng 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho Ang bayan o munisipyo ang may pananagutan sa paghahandog ng mga Danish na Klase.Sa pamamagitan ng Mga Danish na Klase, matututunan ninyong makaintindi, makapagsalita, magbasa at magsulat sa wikang Danish. Ang pag-uunawa sa kultura at mga kondisyon ng lipunan ay isang pangunahing paksa sa mga klase, na kinabibilangan ng basic na pagpapakilala sa labor market sa Denmark, mga oportunidad para sa edukasyon at kalayaan. May tatlong iba't ibang mga level ng Danish na Klase. Makalipas na matiyak ang inyong kakayahan, kayo ay ilalagay sa isang Danish na Klase at modulo na pinaka-angkop para sa inyo. Sa sandaling nakumpleto na ninyo ang Danish na Klase, maaari na kayong magpatuloy sa susunod na level. Kayo ay may karapatan na kumuha ng Mga Danish na Klase sa loob ng unang limang taon nang kayo ay dumating sa Denmark. Ito ay nangangahulugan din na kayo ay pinapahintulutan na magpahinga sa pagitan ng mga klase. Iyong mga nakakuha at nakatapos ng 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho (Pasimula sa Wikang Danish) ay may karapatan para sa tatlong taon ng Danish na Klase. Saan isinasagawa ang Mga Danish na Klase? Ang kurso ay karaniwang isinasagawa sa isang language centre (sentro para sa wika). Gayunman, ang pagtuturo ay maaari rin isagawa sa iba pang mga lokasyon, halimbawa, sa inyong lokal na 3F na branch. Pagpopondo Libre ang pag-aaral at maaari kayong makakuha ng State Educational Support for Adults (SVU) kung kayo ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong magapply para sa SVU bago magsimula ang kurso. 6

Ang Danish na Klase ay para sa mga taong hindi nakakabasa o nakakasulat sa kanilang katutubong wika. Ang layunin ng kurso ay makatamo ng basic na kaalaman sa pananalitang Danish, at pati na rin sa kahusayan sa pagbabasa at pagsusulat. Ang Danish na Klase ay hinahati sa anim na mga modulo. Ang Danish na Klase 2 ay para doon sa mga taong may kakaunting background sa edukasyon sa kanilang pinagmulang bansa. Ang layunin ng kurso ay magawang maintindihan, makapagsalita at makapagbasa ng Danish. Ang Danish na Klase 2 ay hinahati sa anim na mga modulo. Ang Danish na Klase 3 ay para doon sa may medium o matagal na background sa edukasyon. Maaaring ito ay mula sa isang vocational na paaralan, sa isang mas mataas na sekundaryang paaralan o mas mataas na edukasyon (higher education). Ang Danish na Klase 3 ay hinahati sa anim na mga modulo. 7

Preparatory Adult Education Programme o Programa para sa Paghahanda sa Edukasyon na para sa Adulto (FVU) Ang FVU at mga kurso sa wikang Danish para mga imigranteng mag-aaral Ang FVU ay may dalawang inihahandog na mga kurso sa wikang Danish para sa mga imigranteng mag-aaral ang FVU Start ar FVU Reading for Bilinguals. FVU Start Simula sa autumn ng taong 2015, may mga espesyal na FVU na klase na itinakda bilang isang pagsusubok para sa mga imigranteng nais na matuto ng Danish bilang isang dayuhang wika. Ang mga ito ay isinasagawa bilang isang ganap na bagong basic na FVU na modulo para sa mga imigranteng mag-aaral na tinatawag na FVU Start. Ang mga ito ay tumatagal mula 40 hanggang 80 mga leksyon. FVU Reading for Bilinguals Ang kasalukuyang FVU Reading steps 1, 2, 3 at 4 ay ginagawa rin bilang isang pagsubok bilang isang tiyak na inayos na kurso para sa mga bilingual. Ang isang FVU na kurso sa Reading for Bilinguals ay tatagal ng mula 40 hanggang 80 mga leksyon. Saan isinasagawa ang FVU? Ang kurso ay karaniwang isinasagawa sa isang VUC (Adult Educational Centres). Gayunman, ang pagtuturo ay maaari rin isagawa sa iba pang mga lokasyon, halimbawa, sa inyong lokal na 3F na branch. Pagpopondo Libre ang pag-aaral at maaari kayong makakuha ng State Educational Support for Adults (SVU) kung kayo ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong magapply para sa SVU bago magsimula ang kurso. 8

"Hindi lang ako humusay sa aking pagbabasa at pagsusulat sa wikang Danish makalipas ang aking kurso sa Danish, pero ngayon ay mas mahusay na akong nakikipag-usap sa aking mga kasamahan sa trabaho at mga manager. Ginagawa nitong mas masaya ang pagtatrabaho." Bernadeta Thrysøe, ipinanganak sa Poland, Cleaning Technician sa Aalborg Municipality 9

Adult Vocational Training Programmes (AMU) Ang inihahandog sa wikang Danish ng AMY ay tinatawag na "Danish bilang isang ikalawang wika para sa mga refugee at mga imigranteng mag-aaral." Ito ay may tatlong level at ang bawat level ay maaaring tumagal ng hanggang 40 araw. Ito ay may tiyak na mga layunin sa wika at ang mga klase ay may vocational na pamamaraan na batay sa industriya kung saan kayo nagtatrabaho. Ang mga Danish na kurso ng AMU ay maaaring makumpleto bilang independiyenteng mga kurso sa wikang Danish o bilang isang pag-aaral ng Danish na pinagsama sa vocational na mga kurso ng AMU. Ang mga kurso ay maaring ayusin ayon sa naaangkop sa inyo; halimbawa, bilang isang part time na pag-aaral sa loob ng mas matagal na panahon. Saan ginaganap ang mga Danish na kurso ng AMU? Ang kurso ay karaniwang ginaganap sa isang vocational na paaralan, gayunman maaari rin maganap ang pagtuturo sa iba pang mga lokasyon, halimbawa, sa inyong pinagtatrabahuhan o sa inyong lokal na 3F na branch. Pagpopondo Maaari kayong makatanggap ng allowance para sa VEU sa ilalim ng mga kasalukuyang ipinapatupad na regulasyon. Maaari kayong mag-apply para sa allowance ng VEU makalipas na magtapos ang kurso. Ang tuition para sa taong 2016 ay DKK 256 kada araw/dkk 1280 kada linggo para sa taong 2016. 10

Ang tatlong mga level ng AMU: Basic Level; kinakailangan ang mga kakayahan sa wikang Danish na kahit man lang katumbas ng Danish Language Test 1 ng mga language centre. General Level; kinakailangan ang mga kakayahan sa wikang Danish na katumbas ng karamihan sa mga Danish Language Test 2 ng mga language centre. Extended Level; kinakailangan ang mga kakayahan sa wikang Danish na kahit man lang katumbas ng Danish Language Test 2 ng mga language centre. 11

General Adult Education (AVU) Ang inihahandog para sa wikang Danish ng AVU para sa mga imigranteng magaaral ay tinatawag na "Danish bilang ikalawang wika", at hinahati sa maraming mga level. Ang una sa serye ay ang kurso ng AVU na "Danish bilang ikalawang wika Basic." Ang layunin nito ay magkaloob sa inyo ng paunang kaalaman para makuha ang "Danish bilang ikalawang wika" sa susunod na level (level G). Ang kurso ay nilalayon doon sa mga nakatamo ng Danish vocational level na mas mababa sa panghuling level sa Danish (step 3) ng mga paaralan para sa wika, pero inaasahan na makakaabot sa level na ito habang isinasagawa ang 140 oras ng kurso. Saan nagaganap ang AVU? Ang klase ay karaniwang ginaganap sa mga VUC (Adult Educational Centres), gayunman maaari rin maganap ang pagtuturo sa iba pang mga lokasyon, halimbawa, sa inyong pinagtatrabahuhan o sa inyong lokal na 3F na branch. Pagpopondo Maaari ninyong makuha ang State Educational Support for Adults (SVU) kung kayo ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong mag-apply para sa SVU bago magsimula ang kurso. Ang tuition para sa mga Danish na kurso ng AVU para sa taong 2016 ay DKK 120 kada kurso. 12

Ang mga sumusunod na level para sa mga Danish na kurso para sa mga imigranteng mag -aaral ay: Level G, na katugma sa Class 9 sa Danish ng mga municipal primary at lower secondary na mga paaralan. Level F, na katugma sa vocational na edukasyon na Danish, basic subject F Level E, na katugma sa Class 10 sa Danish ng mga municipal primary at lower secondary na mga paaralan. Level E, na katugma sa bokasyonal na edukasyon, mga pangunahing paksa D at ay ang pinakamataas na antas bago danish on highschoolevel. 13

Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho (Pasimula sa Wikang Danish) Mga Klase para sa Wikang Danish FVU Start Target na Grupo Para doon sa mga: : bagong dating na dayuhang adultong manggagawa mga asawa mga commuter na dumadaan sa pagitan ng mga bansa ng EU Kayo ay may karapatan na kunin ang 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho ng hanggang isang taon at kalahati. Para doon sa mga: bagong dating na mga refugee mga muling napagkaisang pamilya na may mga permiso sa paninirahan at mga personal na identification number. Kayo ay may karapatang kumuha ng mga Danish na kurso ng hanggang limang taon. Para doon sa mga: tumira at nagtrabaho sa Denmark ng ilang taon at kinakailangang mapahusay ang kanilang kaalaman sa Danish bago kunin ang FVU Reading for Bilinguals. Mga hinihiling para makapasok Walang hinihiling na mga kakayahan sa wikang Danish para makapagsimula sa kursong ito. Walang hinihiling na mga kakayahan sa wikang Danish para makapagsimula sa kursong ito. May ilang kakayahan sa wikang Danish, pero hindi mahigpit na kinakailangan para makuha ang FVU Reading. Plano Ang klase ay nakaayos sa limang mga kurso na binubuo ng 50 mga leksyon. Ang klase ay karaniwang ginaganap sa isang language centre (sentro para sa wika) sa araw, gabi o Sabado't Linggo. Gayunman, maaari rin magturo sa isang lugar ng trabaho o sa isang lokal na 3F na branch. Ang klase ay magtatapos sa isang pagsusulit. May 6 hanggang 15 mga leksyon kada linggo. Ang klase ay karaniwang ginaganap sa isang language centre (sentro para sa wik) sa arawa, gabi o Sabado't Linggo. Maaaring kumuha ng pagsusulit at tapos ay makakakuha na ng sertipiko. Ang mga klase ay tumatagal sa pagitan ng 40 at 80 leksyon. Ang klase ay karaniwang isinasagawa sa isang Adult Educational Centre (VUC). Maaaring tapusin ang kurso sa pamamagitan ng pagkuha ng isang pagsusulit sa FVU at makakakuha na ng sertipiko. Pagpopondo Ang job centre sa inyong bayan na tinitirahan o munisipyo kung saan kayo nagtatrabaho ang magbabayad para sa klase Maaari kayong mag-apply para sa SUV sa ilalim ng pagsunod sa mga kasalukuyang ipinapatupad na regulasyon. Ang job centre sa inyong bayan na tinitirahan o munisipyo kung saan kayo nagtatrabaho ang magbabayad para sa klase Maaari kayong mag-apply para sa SUV sa ilalim ng pagsunod sa mga kasalukuyang ipinapatupad na regulasyon. Ang klase ay libre. Maaari kayong mag-apply para sa SUV sa ilalim ng pagsunod sa mga kasalukuyang ipinapatupad na regulasyon. 14

FVU Reading for Bilinguals Para doon sa mga: tumira at nagtrabaho sa Denmark ng ilang taon, pero hindi sapat ang natutunan na Danish para matapos ang step 1 ng Mga Danish na Klase. AMU - Danish bilang ikalawang wika para sa mga refugee at mga imigranteng mag-aaral. Para doon sa mga: may kakayahan o walang kakayahan at may pang-elementaryang level na ng wikang Danish. AVU - Danish bilang ikalawang wika Para doon sa mga: nakakumpleto ng Danish na Klase 2 o may katumbas na antas ng kakayahan May ilang kakayahan sa wikang Danish, pero wala pa sa antas ng pagtugon sa step 1 ng Mga Danish na Klase Ang mga kakayahan sa wikang Danish ay dapat na katumbas ng kahit man lang step 1 ng Mga Danish na Klase. Ang mga kakayahan sa wikang Danish ay dapat na katumbas ng kahit man lang step 2 ng Mga Danish na Klase. Ang mga klase ay tumatagal sa pagitan ng 40 at 80 leksyon. Ang klase ay karaniwang isinasagawa sa isang Adult Educational Centre (VUC). Maaaring tapusin ang kurso sa pamamagitan ng pagkuha ng isang pagsusulit sa FVU at makakakuha na ng sertipiko. Ang kurso ay inihahandog sa tatlong mga level - Basic, General at Extended Level. Ang klase ay ginaganap sa sentro ng AMU o sa inyong pinagtatrabahuhan sa araw, gabi o Sabado't Linggo ng kahit mang lang tatlong linggo. Ang kurso ay maaaring makumpleto bilang independiyenteng mga kurso sa wikang Danish o bilang isang pag-aaral ng Danish na pinagsama sa vocational na mga kurso ng AMU. Ang tuition para sa DKK 256 kada araw/ DKK 1280 kada linggo para sa taong 2016. Maaari kayong mag-apply para sa allowance ng DEU kung makasunod sa ilalim ng kasalukuyang mga ipinapatupad na regulasyon. Ang klase ay isinasagawa sa isang VUC. Maaaring tapusin ang kurso sa pamamagitan ng pagkuha ng isang pagsusulit na katumbas ng municipal primary at lower secondary na Pagsusulit sa Danish ng paaralan, at tapos ay kuhanin ang mga sumunod na level sa AMU. Basic Level: 90 oras Level G: 180 oras Level F: 75 oras Level E: 60 oras Level D: 60 oras Ang tuition ay DKK 120 kada kurso para sa taong 2016 Maaari kayong mag-apply para sa SUV sa ilalim ng pagsunod sa mga kasalukuyang ipinapatupad na mga regulasyon. 15

Editing at layout ay ginawa ni: Lærke Kamma Clausen Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa: Anthony Sylvester sa anthony.sylvestergp3f.dk o Susanne Wind sa susanne.wind@3f.dk Inilathala ng 3F AUI - Labour Market, Education and Integration Kampmannsgade 4, 1790 Copenhagen V Enero 2016 Item no.: 6104-6 Tagalog (sprog på Filippinerne) 16 www.3f.dk / www.3fuddannelsesnyt.dk